Hesus sa Krus
Hesus sa Krus Ang Semana Santa ay isang paggunita sa pagpakamatay ni Hesus sa Krus at ang kanyang muling pagkabuhay. Panahon din ito ng pagdarasal, pagsasakripisyo at pagbabago. Panahon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan, at panahon ng pagwawasto sa ating mga pagkakamali. Alam niyo ba kung ano ang totoong misyon ng tao dito sa mundo? Ang kasagutan ay makikita sa Pahayag 22:9 “ At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.” Sa madaling salita, huwag sambahin ang mga anghel, sambahin ang Diyos! Huwag sumamba nang walang anuman, sumamba sa Diyos! Huwag kaligtaan ang Diyos o hamakin ang Diyos, sambahin ang Diyos! Ito ang huling kabanata ng Biblia, at ito ang huling tungkulin ng tao: sambahin ang Diyos!. Ang misyon po ng mga tao dito sa mundo ay ang sambahin ang ating Panginoong Diyos pero nangdahil sa diyablo at pagmamanipula nito sa...