Hesus sa Krus
Ang
Semana Santa ay isang paggunita sa pagpakamatay ni Hesus sa Krus at ang kanyang
muling pagkabuhay. Panahon din ito ng pagdarasal, pagsasakripisyo
at pagbabago. Panahon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan, at panahon ng pagwawasto
sa ating mga pagkakamali.
Alam
niyo ba kung ano ang totoong misyon ng tao dito sa mundo? Ang kasagutan ay
makikita sa Pahayag 22:9 “At
sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at
ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat
na ito: sumamba ka sa Dios.” Sa madaling salita, huwag sambahin ang mga anghel,
sambahin ang Diyos! Huwag sumamba nang walang anuman, sumamba sa Diyos! Huwag
kaligtaan ang Diyos o hamakin ang Diyos, sambahin ang Diyos! Ito ang huling
kabanata ng Biblia, at ito ang huling tungkulin ng tao: sambahin ang Diyos!.
Ang misyon po ng mga tao dito sa mundo ay ang sambahin ang ating Panginoong
Diyos pero nangdahil sa diyablo at pagmamanipula nito sa sangkataohan ang mga
tao ay naging makasalan at minahal ang mga materyal na bagay dito sa mundo.
Nakita nang Panginoong Diyos kung gaano kamakasalan ang mga tao kaya ipinadala
niya si Hesus sa sanlibutan upang iligtas ang sangkataohan sa mga kasalanang
nagawa. Sa pamamagitan ng pagpapako ni Hesus sa Krus tayo ay nailigtas sa ating
mga kasalanan.
Isaisip
po nating na hindi lamang sa pagdating nga semana santa tayo ay hihingi ng
kapatawaran sa Diyos kundi ito ay gagawin natin sa araw-araw sa pamamgitan nga
pagdarasal.

Comments
Post a Comment